https://photos.app.goo.gl/olJ2dwAsD3lblJAj1Narito ang ilan sa mga tanyag at makabuluhang pamahiin at kasabihan ipinamana sa atin ng ating mga lolo at lola, at syempre ginawa ko itong medyo funny.
Bago ka pumuna ng uling ng iba, uling sa mukha mo'u pahirin muna.
(Bago mo punain ang uling sa mukha ng iba, kulangot sa ilong mo'y pahirin muna. hehehehe)
Ang pagsasabi ng tapat, ay pagsasama ng maluwat.
(Kapag ika'y nagsabi ng tapat, siguradong sa iyo'y may kikindat.)
Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.
('yong iba nasobrahan lang sa gluta.)
Kung may isinuksok, may madudukot.
(Kung may isinuksok, may mandurukot.)
Habang maiksi ang kumot, matuto munang mamaluktot.
Habang maiksi ang kumot, wag kang kamot ng kamot.)
Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan.
(Ang tunay na kaibigan, laging nilalagyan ng laman ang iyong pianggan.)
Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong nakakalimot.
(Ang paala-ala ay mabisang gamot sa taong walang kadala-dala) (sa pagka-bigo.)
Huli man daw at magaling, naihahabol din.
(Huli man daw at magaling, ika'y mapapa-iling. Sayang magaling sana, ang kaso huli naman palagi.)
Bawat palayok ay may kasukat na suklob.
(Bawat palayok ay kulang sa taong hayok na hayok.)
Ang tao kapag mayaman marami ang kaibigan.
(Ang tao kapag mayaman may mapagsamantalang kaibigan.)
Ang lumalakad ng matulin, kung matinik ay malalim.
(Ang lumalakad ng matulin kung matinik as walastik.)
more to come....
https://photos.app.goo.gl/olJ2dwAsD3lblJAj1
No comments:
Post a Comment